Matagumpay na binuksan ang ikalawang branch ng J&S Auto Services sa Brgy. Inosloban, Lipa City, Batangas noong Lunes, Nobyembre 18, 2024.
Pinangunahan ni Mr. Joey Alcantara, kasama ang kanyang pamilya at mga well-trained na staff, ang ribbon-cutting ceremony.
Layunin ng J&S Auto Services na maghatid ng kalidad na serbisyo sa mga Lipeño at ibahagi ang kanilang mataas na pamantayan sa automotive services sa buong Lipa City. Ang J&S Auto Services ay nakilala sa kanilang kalidad at mataas na standard pagdating sa automotive repair at iba pang serbisyo, na sinusuportahan ng mga bihasang mekaniko at eksperto, kaya’t makakasiguro ang bawat kliyente na ang kanilang sasakyan ay nasa kamay ng mga propesyonal.
Ilan sa mga serbisyong inaalok ng J&S Auto Services ay ang diagnostic services, routine maintenance, mechanical repairs, at auto supplies. Nag-aalok din sila ng preventive maintenance services, transmission services (manual/automatic), under chassis and suspension work, wheel alignment and balance, engine overhaul, brake services, OBD (on-board diagnostics), clutch repair, at marami pang iba.
Ang J&S Auto Service – Lipa Branch ay opisyal na magbubukas ngayong araw, November 18, 2024 kung saan maraming promos at discounts ang naka handa para sa mga Lipeño na nais magpagawa ng kanilang mga sasakyan.
Para sa mga nais mag-inquire o magpagawa ng kanilang sasakyan, maaari silang dumaan sa kanilang Lipa branch sa Brgy. Inosloban, Lipa City.
Maaari rin nilang bisitahin ang official Facebook page ng J&S Auto Services, ‘JAndS Batangas’, para sa karagdagang impormasyon. | d.r. | BChannel NEWS