Nagsagawa ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-MIMAROPA ng isang webinar sa pakikipagtulungan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD)/K-9 Group ng Philippine National Police (PNP)-Batangas noong Nobyembre 20.
Higit 40 jail personnel ang naturuan tungkol sa tamang pagkilala, pag-detect, at pag-disarma ng iba’t ibang klase ng pampasabog, kabilang ang improvised explosive devices (IEDs).
Ayon kay Jail Inspector Tracy Khim Balauag, layunin ng aktibidad na ihanda ang mga tauhan ng BJMP sa pagharap sa mga posibleng banta sa seguridad.
Ipinaliwanag din ni Police Lieutenant Lucio Malabanan ng PNP-Batangas na mahalaga ang ganitong pagsasanay upang mapigilan ang paggamit ng mga pampasabog ng mga kriminal.
Patuloy ang kooperasyon ng BJMP at PNP upang palakasin ang kakayahan ng mga jail personnel sa pagkilala at pagtugon sa mga banta mula sa pampasabog. | 📸 Jail Officer 3 Joefrie Anglo, IO-BJMP MIMAROPA | BChannel News