Nagsagawa ng Medical Mission at Bloodletting Activity ang Sta. Teresa College Family Council sa pakikipagtulungan ng Batangas Medical Center, PDA Inc.-Batangas Chapter, IPAO Inc.-Batangas Chapter, Chiro Care Batangas, at Philippine Cancer Society, ngayong Nobyembre 23, 2024, Sabado sa Poblacion 2 Bauan, Batangas.
May temang “Healing Hands, Giving Hearts: A Mission of Hope and Renewal”, layunin ng programang ito na magbigay ng serbisyong medikal at pag-asa sa mga residente ng Batangas.
Ilan sa mga serbisyong iniaalok ay dental, optical, chiropractic, breast at cervical screening, at bloodletting. Sa pangunguna ni Dr. Franco Garcia, matagumpay na naihatid ang mga serbisyong ito sa mga nangangailangan.
Isa sa mga dumalo na panauhin ay si Dr. Eric Tayag, dating Kalihim ng Department of Health at kilala bilang “The Dancing Doctor” mula sa Heal PH Partylist, na nagbigay ng inspirasyon sa mga dumalo. Nakiisa rin si aspiring Vice Mayor Bauan, Bojie Casapao bilang kinatawan ni aspiring Batangas Governor Jay Manalo Ilagan.
Naging malaking tulong naman ito lalo na sa mga Batangueñong walang kakayahang makapagpa-checkup o makapagbigay ng dugo sa regular na pagkakataon.
Bakas ang pasasalamat at tuwa ng mga dumalo sa mga natanggap nilang serbisyo, na nagbigay hindi lamang ng pisikal na kaluwagan kundi pati na rin ng bagong pag-asa para sa kanilang kalusugan. | BChannel NEWS