Magaganap na ang pangalawang yugto ng #AmbagNatin roadshow ng Rappler sa Lipa City, Batangas mula Nobyembre 28 hanggang 29.
Layunin ng aktibidad na ito na labanan ang disimpormasyon at itaguyod ang tamang pagboto para sa darating na 2025 Philippine elections.
Sa pakikipagtulungan ng #FactsFirstPH, DILG-Calabarzon, Balisong Channel, at De La Salle Lipa, magsasagawa ng pampublikong forum at workshop na nakatuon sa voter empowerment, civic engagement, at fact-checking.
Gaganapin ang forum sa Nexus Atrium, De La Salle Lipa, Nobyembre 28, 9 AM–12 PM.
Bukod dito, maghahandog ang roadshow ng workshop para sa 20 lokal na lider, mamamahayag, at kabataan, kung saan tatalakayin ang pagsulat ng election stories, fact-checking, at multimedia content creation.
Ang mga interesado ay kailangang magpasa ng election-related story pitch at magparehistro bago ang Nobyembre 25.
Ang aktibidad ay bahagi ng kampanya ng Rappler upang palakasin ang integridad ng impormasyon at bigyang-boses ang mga komunidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao. |