fbpx

Sto. Tomas City, Naglunsad ng Catch-Up Vaccination Program Laban sa HPV

Naglunsad ng lokal na pamahalaan ng Sto. Tomas City, Batangas ng tatlong-taong catch-up vaccination program ngayong Disyembre 3 upang maprotektahan ang mga kabataang babae laban sa human papillomavirus (HPV), pangunahing sanhi ng cervical cancer.

Nakapaglaan ang LGU ng 1,763 doses ng bakuna bukod pa sa alokasyon ng Department of Health (DOH).

Layunin nitong mabakunahan ang mga 14-taong-gulang na kababaihan na hindi nabakunahan dahil sa kakulangan ng suplay noon.

Pinangunahan ni Mayor Art Jhun Marasigan ang proyektong “SHEProgram-SHEmpre Ligtas,” na bahagi ng Health Education and Promotion Unit (HEPU) sa pamumuno ni Dr. Arnieleyn Aguirre.

Ang programang ito ay nakaayon sa World Health Organization (WHO) 2030 target na 90% ng kababaihan ay mabakunahan laban sa HPV bago mag-15 taong gulang.

Bukod sa pagbabakuna, naglulunsad din ang lungsod ng regular screening at pagpapalawak ng mga pasilidad para sa maagang paggamot ng cervical cancer.

Sa pamamagitan ng aktibong kampanya at pagbibigay-kaalaman, nais ng Sto. Tomas na maging modelo para sa ibang LGU sa pagsugpo sa sakit na ito.

Ang inisyatiba ay naglalayong gawing realidad ang isang cervical cancer-free na komunidad pagsapit ng 2030. | BChannel NEWS

About Author