fbpx

Binatilyo, tinapos ang sariling buhay matapos barilin ang sarili sa Cavite

Bago sumapit ang kaarawan ng 23-anyos na binatilyo tinapos na nito ang kanyang buhay sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Sta Cruz 2, Dasmariñas City, Cavite, noong Miyerkules, Disyembre 4.

Ayon sa salaysay ng kamag-anak ng biktima sa pulisya, nagkulong umano ang binatilyo sa loob ng kanilang banyo. Makalipas ang ilang sandali, nakarinig sila ng putok ng baril mula rito.

Nang buksan nila ang pinto sa banyo, tumambad sa kanila ang katawan ng duguang biktima na nakahandusay sa sahig at may tama ng bala ng baril sa ulo.

Isinugod pa ito sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival.

Magdiriwang sana ng kanyang kaarawan ang biktima ngayong Biyernes, Disyembre 6.

Ang .38 revolver na ginamit ay nakuha na ng pulisya, at patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

About Author