Dead on the spot ang isang lalaki sa pamamaril na naganap nitong Biyernes 6, 2024, bandang alas-4:20 ng umaga sa Double-L Public Market, Southville-8, Brgy. San Isidro, Rodriguez Rizal.
Ayon sa paunang imbestigasyon, habang nagtitinda sa kanyang fish store ang biktima na si Ronaldo nang biglang pinaputukan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek. Nagtamo siya ng mga tama ng bala at agad isinugod sa ospital.
Samantala, si alyas Sadam, isang customer sa lugar, ay pinagbabaril din ng bala na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek patungo sa Southville-8B, Brgy. San Isidro.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga salarin at ang motibo sa krimen. | BChannel NEWS