Dead on the spot ang 46-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng ka-transakyon nito upang bumili ng sasakyan sa Purok 6, Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City, Cavite nitong Disyembre 4, 2024, bandang alas-11 ng gabi.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakipagkita umano ang mga biktima kay alyas “Elmer,” isang hindi kilalang ahente, upang bumili ng sasakyan.
Habang nasa tapat ng St. Paul Parish Church sa Barangay Langkaan 1 ay sumakay naman ang suspek sa kotse ng mga biktima upang pumunta sa lugar ng insidente.
Pagdating doon, binaril ng suspek ang mga biktima gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril at agad tumakas patungo sa Brgy. Langkaan 1 Elementary School.
Namatay agad si alyas Edzcel, habang nakatakas si alyas Jackelou, at humingi ng tulong sa barangay tanod na nagdala sa kanya sa Hospital.
Patuloy ang imbestigasyon, kabilang ang paghingi ng tulong sa SOCO, dragnet operations, at pag-review ng CCTV footage. | BChannel NEWS