fbpx

Lalaking Nanonood ng Basketball, Brutal na Pinagtataga hanggang sa mamatay

Walang habas na pinagtataga ng dalawang suspek ang isang lalaki habang nanonood ng larong basketball nitong Martes, Disyembre 10, bandang alas-7:00 ng gabi sa Sitio Centro, Barangay Don Juan Vercelos sa San Francisco, Quezon.

Kinilala ang nasawing biktima na si alyas Eufemio habang ang suspek na sina alyas Angelo at alyas Nono.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng mga suspek. Sa gitna ng kanilang pagtatalo, parehong naglabas ng gulok ang mga suspek at paulit-ulit na tinaga ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng San Francisco Municipal Police Station at dinala ang biktima sa San Francisco Rural Health Unit. Gayunpaman, idineklara siyang dead on arrival.

Patuloy na nagsasagawa ng hot pursuit at follow-up operations ang mga awtoridad upang maaresto ang mga tumakas na suspek. | BChannel NEWS

About Author