Nasawi ang 24-anyos na lalaki matapos malunod sa isang resort sa Barangay Third District, Jalajala, Rizal, dakong alas-9:45 ng gabi nitong Miyerkules.
Nakilala ang biktima na si alyas Carter, isang helper na residente ng M.H. Del Pilar, Pinagbuhatan, Pasig City.
Ayon sa ulat ng Jalajala Ynares Municipal Hospital, nag-iinuman ang biktima at ang kanyang mga kaibigan nang magpasyang mag-swimming bago matulog upang mahimasmasan. Subalit habang nasa pool, napansin ng isa sa kanyang mga kaibigan na hindi na gumagalaw si Cruz. Isinugod naman ito sa Hospital at sinikap siyang sagipin.
Sa kasamaang-palad, binawian ng buhay ang biktima bandang alas-10:35 ng gabi sa kaparehong araw.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Jalajala MPS kaugnay sa insidente upang malaman ang iba pang detalye.