Naghatid ng libreng concert si Leandro Legarda Leviste sa Unang Distrito ng Batangas sa pamamagitan ng makulay na pagdiriwang ng “Paskong Todo-Todo sa Unang Distrito” nitong Sabado, December 21.

Pinuno ng saya ang Nasugbu sa mahigit apat na oras na concert na dinaluhan ng mga sikat na personalidad tulad nina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Andrea Brillantes, Parokya ni Edgar, Flow G, Wacky Kiray, at Mitch Montecarlo.

Hindi rin nagpahuli ang mga lokal na talento ng Batangas na nagpakita ng husay sa musika at sining.
Umabot sa higit 40,000 Batangueño ang dumalo, simbolo ng pagkakaisa at kasiyahan ngayong Kapaskuhan.

Pinuri ni Senador Loren Legarda ang dedikasyon ng anak na si Leandro para sa kapakanan ng mga Batangueño.

“Ang Paskong Todo-Todo ay patunay ng kanyang malasakit at layuning maghatid ng saya at pagkakaisa sa` ating komunidad,” ani Legarda.

Sa kanyang inisyatiba, patuloy na nagiging simbolo si Leviste ng pagkakaisa at pag-asa, lalo na sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Ang “Paskong Todo-Todo” ay naging matagumpay na selebrasyon ng pagmamahalan at pagbibigayan sa Batangas.
