fbpx

Lalaki Sugatan matapos saksakin ng kanyang kainuman sa Batangas City

Sugatan ang isang 30-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang kainuman sa Barangay Simlong, Batangas City nitong Miyerkules, Enero 8, bandang alas-10:30 ng gabi.

Ayon sa ulat ng Batangas CPS, ang biktima na si alyas Jean ay inimbitahan ang suspek na si alyas Jeff, 39-anyos, na makisali sa kanilang inuman.

Sa gitna ng pag-inom, napansin ng biktima na lasing na ang suspek kaya’t inalok niya itong ihatid pauwi. Ngunit habang pauwi na sila, bigla umanong sinuntok ng suspek ang biktima sa katawan.

Sa gitna ng sagupaan, nagawang lumaban ng biktima, subalit sinaksak siya ng suspek gamit ang isang ice pick sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan.

Agad na dinala ang biktima sa ospital kung saan siya ginagamot sa tinamong sugat.

Bandang alas-2:45 ng madaling araw, Enero 9, 2025, nahuli ang suspek sa tulong ng mga barangay tanod ng Simlong at duty personnel ng San Isidro Police Community Precinct (PCP).

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Batangas City Police Station habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

About Author