fbpx

Landslide, naitala sa Tanay, Rizal; 1 patay, 1 sugatan

Isang insidente ng landslide ang naganap nitongt Huwebes, Enero 16, sa Sitio Mayagay-1, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal, na nagresulta sa pagkamatay ng isang manggagawa at pagkasugat ng isa pa.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station (MPS), ang insidente ay naganap bandang 9:30 ng umaga.

Ayon kay Sitio Leader Ruel Jungco, dalawang construction workers ang nasalanta habang nagsasagawa ng paghuhukay para sa ginagawang bakod. Biglang gumuho ang isang malaking bahagi ng lupa na bumagsak sa mga biktima.

Agad namang nagresponde ang ibang mga manggagawa sa lugar at hinukay ang mga biktima mula sa gumuhong lupa.

Una nilang narekober si alyas Leonardo na nagtamo ng mga sugat. Samantala, si alyas Albert ay natagpuang walang malay at agad isinugod sa Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng Tanay MPS upang matukoy ang mga posibleng sanhi ng pagguho ng lupa.

About Author