Isang 18-anyos na security guard ang nasawi matapos aksidenteng mabaril ng kanyang kasamahan habang naglalaro ng baril sa Guard House ng isang Subdivision sa Brgy. Banay-Banay sa Cabuyao City, Laguna, Miyerkules, Enero 15, 2025, bandang alas-1:00 ng hapon.
Ayon sa paunang imbestigasyon, naglalaro umano ng kanilang nakatalagang baril si alyas Elmer, at ang suspek na kinilala bilang si alyas Christian, 24-anyos, na kapwa security guard ng nasabing subdivision.
Sa kasagsagan ng kanilang paglalaro, aksidenteng pumutok ang baril na tumama sa noo ni Elmer.
Inamin ng suspek na hindi niya alam na may bala ang baril.
Isinugod pa ang biktima sa Ospital ngunit idineklarang patay.
Sumuko naman agad ang suspek sa mga tanod ng barangay at itinurn-over sa Cabuyao City Police.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang tiyakin ang lahat ng detalye ng insidente. | BChannel NEWS