fbpx

37-anyos na lalaki, patay sa pananakasak dahil sa mainitang pagtatalo sa Antipolo, Rizal

Patay sa pananaksak ang isang lalaki nitong Enero 17, 2025, sa Andalucia, Sitio El Dorado, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal, bandang 10:00 ng umaga.

Ayon sa Antipolo Police, ang biktimang si alyas Nelson, 37 anyos, ay nasaksak ng suspek na si alyas Jerry, 48 anyos, matapos ang mainit na pagtatalo tungkol sa umano’y pagnanakaw ng headlight ng motorsiklo.

Sa gitna ng pagtatalo, sinubukan ng kapatid at pamangkin ng biktima na pumagitna ngunit umuwi ang suspek sa kanyang bahay, kumuha ng kutsilyo, at bumalik sa pinangyarihan upang saksakin ang biktima ng dalawang beses sa dibdib. Agad dinala ang biktima sa Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Sumuko naman ang suspek sa Police Station kasama ang mga saksi at mga arresting officer.

Inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

About Author