Dalawang kabataang lalaki ang nasawi matapos malunod sa Ungga Falls, Sitio Ungga, Brgy. San Salvador, Baras, Rizal noong Enero 20, 2025, bandang 12:30 ng tanghali.
Ayon sa ulat, sina John Mike Pacion, 18 taong gulang, mula Antipolo City, at James Andrei Sambas, 17 taong gulang, mula Taytay, Rizal, ay nagtungo sa falls kasama ang dalawa nilang kaibigan upang magpalamig. Sa kabila ng babala tungkol sa uneven depth ng tubig, tumalon si James at kalaunan ay nakita ng saksi na nahihirapan itong lumangoy.
Agad namang tumalon si John upang sagipin ang kaibigan ngunit pareho silang nalunod. Ang kanilang mga katawan ay na-retrieve ng Baras BFP bandang 4:20 ng hapon at agad dinala sa Hospital, ngunit idineklara silang dead on arrival.
Ayon sa mga kaanak, hindi na nila nais isailalim sa autopsy examination ang mga biktima. | BChannel NEWS