fbpx

Construction worker, patay sa pamamaril sa Calamba, Laguna

crime scene do not cross signage

Patay sa pamamaril ang isang 35-anyos na construction worker na naganap nitong Lunes bandang alas-11:20 ng gabi sa Majada-in Housing, Brgy. Canlubang, Calamba Laguna.

Ayon sa ulat ng Calamba Police, nagkaroon ng transaksyon sa pagitan ng biktima at suspek kaugnay sa pagbebenta ng cellphone. Habang ipinapakita ng biktima ang nasabing cellphone, bigla itong pinagbabaril ng suspek at agad na tumakas gamit ang motorsiklo patungo sa Brgy. Sirang Lupa.

Natagpuan ng pulisya ang biktima, kinilalang si alyas Ronnie, na wala nang buhay malapit sa isang pulang motorcycle. Ang suspek na si alyas Mark ay kasalukuyang pinaghahanap.

Agad na nagsagawa ng dragnet operation at manhunt para mahuli ang suspek.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang krimen gayundin ang motibo ng suspek. | BChannel NEWS

About Author