Patay sa pamamaril ang isang fish vendor sa Cainta Public Market, Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal nitong Enero 21, 2025, bandang alas-6:30 ng umaga.
Ayon sa ulat ng Cainta Police, habang nagtitinda ng isda ang biktimang si alyas Noriel, 40 taong gulang, at ang saksi na si alyas Jonel, biglang sumulpot ang isang lalaki at binaril si Noriel gamit ang hindi pa matukoy na baril.
Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklong walang plaka patungong Ortigas Avenue Extension.
Sa ngayon sinusuri na ng mga awtoridad ang CCTV footage para makilala ang suspek.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay inilarawang isang lalaki, 5’6” ang taas, medium built, nakasuot ng asul na t-shirt at itim na pantalon.
Patuloy ang imbestigasyon upang mabigyan ng hustisya ang biktima.