fbpx

OCD, Nanawagan ng paghahanda para sa “Big One”

Hinimok ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na maghanda para sa posibleng malakas na lindol o “Big One.”

Ayon kay OCD Administrator Ariel Nepomuceno, tulad ng Taiwan na nasa Pacific Ring of Fire, mataas din ang peligro ng Pilipinas sa lindol.

“Disasters can strike at any moment. Your safety is your responsibility,” ani Nepomuceno, kasunod ng magnitude 6.4 na lindol sa Taiwan noong Enero 22.

Dagdag pa niya, mahalaga ang kahandaan ng bawat isa upang mabawasan ang pinsala ng malalakas na lindol.

About Author