Isang insidente ng umano’y pagpapakamatay ang naitala nitong Huwebes, Enero 23, 2025, bandang 12:05 ng tanghali sa Brgy. San Isidro, Rodriguez Rizal.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Rodriguez Municipal Police Station, ang biktima, na kinilala sa alyas na “Franky,” 20-anyos, ay nakaranas umano ng depresyon, batay sa pahayag ng kanyang ina.
Sinabi ng saksi na narinig niya ang dalawang putok ng baril mula sa sala ng kanilang tahanan. Nang suriin, natagpuan ang walang buhay na katawan ng biktima na may sugat sa ulo at mukha.
Napag-alaman din na ito ang ikalawang pagtatangka ng biktima na magpakamatay, ang una ay sa pamamagitan ng pagbigti ngunit naagapan pa noon.
Narekober sa pinangyarihan ang isang kalibre .22 na revolver. Ang katawan ng biktima ay dinala sa punerarya sa Brgy. Burgos para sa autopsy at burol.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente. | BChannel NEWS