Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan bandang alas-4:00 ng hapon noong Enero 27, 2025, sa Chester Avenue, Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa ulat, habang naglalaba sa may creek ang isang residente, napansin niya ang isang paa ng tao.
Agad niyang iniulat ito sa mga opisyal ng barangay at sa Dasmariñas City Police Station (CCPS) bandang alas-5:30 ng hapon.
Sa inisyal na pagsusuri, ang bangkay ay isang lalaki na nakasuot ng puting shorts at gray na t-shirt. Humiling na ang pulisya ng forensic team upang maimbestigahan ang lugar ng insidente.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon kaugnay sa pagkakakilanlan ng biktima at sanhi ng pagkamatay. | BChannel NEWS