Pinalalakas ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Puerto Princesa City District Jail-Female Dormitory ang sports program nito bilang bahagi ng rehabilitasyon ng persons deprived of liberty (PDLs).

Ayon kay BJMP Mimaropa Information Officer Jail Officer 3 Joefrie Anglo, layunin ng programa na mapabuti ang kalusugan ng mga PDLs at mapanatili ang positibong samahan sa loob ng kulungan.

Bukod sa sports, nakatuon din ang BJMP sa behavior modification at therapeutic community programs upang masiguro ang matagumpay na pagbabalik ng mga PDLs sa lipunan. | 📸 BJMP Puerto Princesa City Jail-Female Dormitory