Isang 13-anyos na binatilyo ang nasawi matapos mahulog at malunod sa ilog sa The Villas Subdivision, Barangay San Agustin I, Dasmariñas City, Cavite, noong Enero 27, 2025, bandang alas-5 ng hapon.
Ayon sa ulat ng Dasmariñas Police, nagpaabot ng tawag ang Barangay San Agustin I sa Dasmariñas Police bandang alas-9:50 ng gabi kaugnay ng insidente.
Base sa imbestigasyon, ang biktimang si alyas David, residente ng Barangay Sta. Cruz 2, ay kasama ang mga kaibigan nang magtungo sa nasabing ilog upang maligo. Habang naglalaro sila ng kaibigan, aksidente umano itong nahulog sa ilog. Sinubukan pa umano siyang sagipin ngunit nabigo.
Agad humingi ng tulong ang mga kaibigan ng biktima at dinala siya sa Pagamutan ng Dasmariñas, ngunit idineklara siyang dead on arrival bandang alas-7:35 ng gabi.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. | BChannel NEWS