Lumalabas sa pinakahuling survey ng One Research Philippines Inc. (ORPI) nitong Pebrero 4, na si Batangas Vice Governor Mark Leviste ang nangunguna sa karera para sa posisyon ng kinatawan ng ikatlong distrito ng Batangas.

Ayon sa survey na isinagawa mula Enero 10-15, 2025, nakakuha si Leviste ng 53% na suporta mula sa mga botante, malayo sa kanyang pinakamalapit na katunggali na si Atty. King Collantes na may 42%. Samantala, si Nestor Burgos ay may 2% na lamang, habang 3% naman ng mga botante ang nananatiling hindi pa tiyak kung sino ang kanilang iboboto.

Ang survey ay isinagawa sa 3,000 rehistradong botante na may edad 18 hanggang 70, na nagmula sa iba’t ibang bayan ng ikatlong distrito ng Batangas.

Matatandaang si Leviste ay unang nagpahayag ng interes na tumakbo bilang Gobernador ng Batangas, ngunit umatras ito matapos ipahayag ni dating Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ang kanyang kandidatura para sa naturang posisyon. | via Jay Pamintuan