Matagumpay ang isinagawang ceremonial turnover ng Batangas Filipino Chinese Chamber of Commerce Inc. sa bagong water system sa Malitam Elementary School nitong Sabado, February 08, 2025.

Ang inisyatibang ito ay pinangunahan ni BFCCI President Willy Wong katuwang ang Maersk, Caritas Manila, Solar Hope, at Rich Ad Construction Corporation kung saan nagbigay sila ng water tank, pressure tank, at water pump upang matiyak ang maayos at sapat na suplay ng tubig para sa nasabing paaralan.

Ayon kay BFCCI President Wong, layunin ng proyektong ito na mapaigting ang kalusugan, kalinisan, at ang kabuuang learning environment para sa mga mag-aaral at guro.
“On behalf of the Batangas Filipino Chinese Chamber of Commerce, Inc., we are proud to have contributed to this initiative by providing the water tank, pressure tank, and water pump—essential components that will ensure a steady and reliable water supply for the school. Access to clean water is not just a basic necessity; it is a foundation for good health, learning, and overall well-being, especially for our young students.”, ani niya sa kanyang pahayag.

Nagpahayag din ng taos-pusong pasasalamat ang BFCCCI at ang kanilang mga katuwang sa matagumpay na pagtutulungan, na nagpatibay sa kahalagahan ng kolektibong pagsisikap sa pagpapalakas ng mga komunidad.
Dagdag pa ni BFCCI President Wong, sa pamamagitan ng bagong sistemang ito, mas magiging magaan para sa Malitam Elementary School ang pagkakaroon ng malinis at maayos na suplay ng tubig sa mga susunod na taon. | 📷: BFCCI | BChannel NEWS | DBR