Pitong indibidwal ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa iba’t ibang bayan ng Batangas mula Pebrero 12 hanggang madaling araw ng Pebrero 13, 2025.
Sa Batangas City, nahuli si alyas Lester matapos mahulihan ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 2 gramo at halagang Php13,600.00.
Sa Lipa City, dalawang operasyon ang nagresulta sa pagkakaaresto nina Erickson at Alfredo, kung saan nakumpiska ang kabuuang 0.49 gramo ng shabu.
Sa Ibaan, nakuha kay Melvin ang isang sachet ng hinihinalang shabu, isang cellphone, at isang motorsiklo.
Sa Mataasnakahoy, inaresto si Von Albert na may 0.20 gramo ng shabu. Samantala, sa San Juan, nahuli si Allan na may bitbit na isang sachet ng hinihinalang droga.
Sa Nasugbu, nahuli si Prince na may anim na sachet ng hinihinalang marijuana.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.