Isang lalaki ang nasawi sa sunog na naganap nitong Pebrero 12, 2025, sa South Square Village, Brgy. Pasong Kawayan 2, General Trias City.
Ayon sa ulat ng Cavite Police, bandang 9:40 ng gabi nang magsimula ang sunog sa naturang bahay. Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng General Trias at dumating sa lugar ng insidente dakong 9:44 PM.
Matapos ang mahigit 30 minutong operasyon, idineklarang under control ang sunog bandang 10:11 PM at tuluyang naapula pagsapit ng 10:15 PM. Sa kasawiang-palad, natagpuan ng mga bumbero ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa loob ng nasunog na bahay.
Kinilala ang biktima bilang si alyas Nestor, 55 taong gulang, may asawa, at residente ng naturang lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog at kung may iba pang posibleng dahilan ng insidente. | BChannel NEWS