Mula Pebrero 21 hanggang Pebrero 28, maaaring masaksihan ng mga Pilipino ang bihirang “planet parade” o hilera ng mga planeta sa kalangitan.
Ayon sa PAGASA, makikita gamit lamang ang mata ang Venus, Jupiter, at Mars, habang mas mahirap makita ang Saturn at Mercury dahil sa kanilang posisyon. Samantala, kakailanganin ng high-power equipment upang masilayan nang malinaw ang Neptune at Uranus.
Nangyayari ang phenomenon na ito dahil sa orbital positions ng mga planeta, kung saan nagmumukha silang magkakalapit mula sa perspektibo ng Earth. Ang ganitong kaganapan ay naitala rin noong Hulyo 2022 at muling mangyayari sa Agosto ngayong taon.