Natagpuang wala nang buhay ang isang 13-anyos na dalagita sa isang damuhan sa Brgy. Ibabang Bulo, Unisan, Quezon noong Marso 16, 2025.
Ayon sa Unisan Municipal Police Station, inutusan ng ina ang kanyang anak bandang 6:10 PM upang maghatid ng pera sa Small Town Lottery sa Brgy. Ibabang Panaon ngunit hindi na nakauwi.
Bandang 9:00 PM, isang concerned citizen ang nag-ulat na may natagpuang bangkay ng isang babae sa masukal na bahagi ng barangay, wala itong suot na pang-ibaba.
Kinilala ang suspek na si Jomar Fernandez, 27-anyos, na siyang pumatay, sumakal, at hinihinalang gumahasa sa biktima na si alyas Jandy, Grade 7.
Inamin naman ng suspek ang krimen na kung saan nagawa nito ang krimen dahil sa kalasingan.
Sa isinagawang manhunt opersation ng pulisya nahuli ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya na mahaharap sa kaukulang kaso.
Napag-alaman rin na kalalaya lang ng suspek sa kasong act of lasciviousness.