Isang lalaki ang natagpuang wala nang buhay, habang sugatan naman ang kanyang kinakasama matapos ang isang hinihinalang tangkang pagnanakaw na nauwi sa pananakit at pagpatay sa Main Road, NHA Site 3, Brgy. Sto. Tomas, Calauan, Laguna, kaninang madaling araw, Marso 19.
Kinilala ang biktima bilang si alyas Marlou, na natagpuan nakahandusay sa kalsada suot ang isang itim na T-shirt at puting jersey shorts.
Samantala, ang kanyang kinakasama ay agad isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.
Patuloy ang imbestigasyon ng Calauan Municipal Police Station upang matukoy ang mga salarin at ang tunay na motibo sa insidente.
Kasalukuyang isinasagawa ang pagkuha ng CCTV footage sa paligid upang malaman ang posibleng mga suspek. | BChannel NEWS