Patay ang isang 25-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa Brgy. San Benito, Alaminos, Laguna, bandang 9:00 PM ng Marso 30, 2025.
Ayon sa ulat ng Alaminos Municipal Police Station (MPS), lumitaw na bago ang insidente, nag-iinuman ang biktimang si Jose, at ang suspek na si Domingo. Sa kainitan ng kanilang tagayan, nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pananaksak ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima.
Matapos ang insidente, tumakas ang suspek patungo sa damuhan ngunit kalaunan ay naaresto rin ng mga tauhan ng Alaminos MPS.
Agad namang isinugod ang biktima sa Hospital, ngunit idineklara siyang dead on arrival dahil sa tinamong maramihang saksak sa katawan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na sasampahan ng kasong homicide. | BChannel NEWS