Nanindigan ang China na mga espiya ang tatlong Pilipinong inaresto sa kanilang bansa. Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Lin Jian, may sapat umanong ebidensya laban sa tatlo, at hawak na ng kanilang judicial authorities ang kaso.
Mariin din niyang tinutulan ang umano’y pag-iimbento ng Pilipinas ng “Chinese spy cases” at iginiit na ilang ulit na silang naghain ng protesta.
Tiniyak naman ni Lin na dadaan sa due process ang mga Pilipino at poprotektahan ang kanilang karapatan.
Samantala, itinanggi ng National Security Council ng Pilipinas ang akusasyon. Ayon kay NSC Spokesman Jonathan Malaya, mga ordinaryong mamamayan ang mga inaresto at wala silang kaugnayan sa militar. | BChannel NEWS