Isang lalaki ang walang habas na pinagbabaril ng di pa nakikilalang salarin sa Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon noong Abril 8, 2025, bandang 12:10 ng tanghali.
Batay sa inisyal na imbestigasyon Tiaong Municipal Police Station (MPS), habang nakahiga sa duyan si July sa gilid ng kanyang bahay, nilapitan siya ng isang armadong lalaki at ilang ulit na binaril. Tinamaan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad niyang ikinasawi.
Mabilis na tumakas ang suspek patungong San Pablo City, dala ang ginamit na baril.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin.