Isang rider ang nasawi matapos mabangga sa isang dump truck sa kahabaan ng A. Soriano Highway, Brgy. Ibayo Silangan, Naic, Cavite bandang 1:20 ng madaling araw nitong Linggo, Abril 6,
Batay sa paunang imbestigasyon ng Naic Municipal Police Station, parehong binabaybay pa-norte ng dalawang sasakyan ang naturang daan nang bigla umanong bumangga ang harapang bahagi ng motorsiklo sa likurang kaliwang bahagi ng Dump Truck.
Dahil matinding salpukan, nagtamo ng matinding pinsala ang driver ng motorsiklo na si alyas Rafanan.
Agad siyang dinala ng Naic MDRRMO sa Hospital, ngunit idineklara siyang Dead on Arrival.
Arestado naman ang driver ng dump truck na si alyas Marvin, 47 anyos. Siya ay sasampahan ng kaukulang kaso at isasailalim sa inquest proceedings. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang buong detalye ng insidente. | BChannel NEWS