Isinugod sa ospital ang mahigit 220 katao at kumpirmadong 89 ang nasawi, kabilang ang ilang dating baseball players, matapos gumuho ang bubong ng Jet Set nightclub sa gitna ng performance ng kilalang merengue artist na si Rubby Pérez, dakong ala-1 ng madaling-araw nitong Martes.
Ayon sa awtoridad, tinatayang 300 katao ang nasa loob ng club nang mangyari ang trahedya. Patuloy ang search and rescue operations sa ilalim ng gumuhong istruktura. Hindi pa rin natutukoy kung nasaan si Pérez, na pinangangambahang kabilang sa mga biktima.
Kabilang sa mga namatay ay si Gov. Nelsy M. Cruz ng Monte Cristi, dalawang dating MLB players na sina Octavio Dotel at Tony Blanco, at ilang miyembro ng Kongreso.
Naitala ring higit sa 155 na katao ang isinugod sa mga ospital, ayon sa Emergency Operations Center. Marami sa kanila ay isinakay ng ambulansya nang sabay-sabay dahil sa dami ng sugatan.
Ayon sa mga eksperto, ang gusali ay dating sinehan na mahigit 50 taon nang nakatayo at minsan nang nasunog. | BChannel NEWS