Arestado ang tatlong Grade 12 students matapos umanong gahasain ang isang 16-anyos na schoolmate sa Tondo Manila, ayon sa ulat ng Baseco Police.
Nakipagkita umano ang biktima sa isa sa mga suspek noong gabi ng Abril 6 at inimbitahan siyang makipag-inuman.
Natulog umano ang dalagita matapos malasing at nagising na may humahalik at humahawak sa kanya.
Ayon sa biktima, salitan siyang ginahasa ng mga suspek. Nakatakas siya nang makatulog ang mga ito at agad na humingi ng tulong.
Naaresto ang tatlo sa follow-up operation. Kasalukuyan silang nakakulong sa Baseco Police Station at nahaharap sa kasong rape. | BChannel NEWS