Apat ang nasawi matapos ang isang aksidente sa motorsiklo na naganap dakong alas-3:00 ng hapon noong Abril 9, sa kahabaan ng San Andres–San Narciso Road sa Barangay Vigo, San Narciso, Quezon.
Ayon sa imbestigasyon ng San Narciso Municipal Police Station, bandang 3:15 PM nang makatanggap sila ng ulat ukol sa insidente. Napag-alamang isang motorsiklong na minamaneho na kinilalang si alias “CJ”, ang nawalan ng kontrol sa manibela at bumangga sa isang puno. Dahil sa lakas ng salpok, tumilapon ang lahat ng sakay nito sa isang kanal sa gilid ng kalsada.
Agad na isinugod sa Quezon Provincial Hospital Network sa San Narciso ang mga biktima ngunit idineklara silang dead on arrival ng mga doktor. Kinilala ang mga nasawi na sina alias “Jessica”, “Cheanne”, at “Charmel”, pawang mga pasahero ng motorsiklo.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang iba pang detalye ng insidente. | BChannel NEWS