Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Sitio Altura, Barangay Matabungkay, Lian, Batangas bandang alas-9:00 ng gabi nitong Miyerkules Abril 9.
Sa paunang imbestigasyon ng Lian Municipal Police Station (MPS), sinabi ng asawa ng biktima, na kinilalang si alyas “Mark,” na nakaupo sa duyan sa kanilang terrace ang biktima nang pagbabarilin ito ng salarin gamit ang hindi pa natutukoy na uri ng baril.
Agad dinala ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor. Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek sakay ng isang puting kotse patungong Balayan o Calatagan, Batangas. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at kasalukuyang nagsasagawa ng dragnet operation, habang humingi na rin ng tulong mula sa Scene of the Crime Operatives (SOCO). | BChannel NEWS