Patay ang isang 45-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 4, Barangay Aplaya, sa Santa Rosa City, Laguna madaling araw nitong Martes, Abril 15.
Kinilala ang biktima na si Marlon, residente ng Purok 5. Ayon sa Santa Rosa City Police Station, bigla na lamang siyang inatake ng suspek habang nakatayo. Tumakas ang salarin matapos ang insidente.
Dinala ang biktima sa Santa Rosa City Community Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Patuloy ang imbestigasyon at inaalam na rin ang motibo sa pagpaslang. Napag-alaman na ang salarin ay nakasuot ng itim na sando at jersey shorts. | BChannel NEWS