Nasawi ang isang lalaki matapos malunod sa isang Beach Resort sa Brgy. Bignay 2, Sariaya, Quezon bandang alas-6:00 ng umaga nitong Abril 21, 2025.
Ayon sa ulat ng Sariaya Municipal Police Station, lumabas na huling nakita ang biktima sa Brgy. Bignay 1, alas-3:55 ng madaling araw noong Abril 20, 2025. Ayon sa lifeguard ng resort na si Melchor Ilagan, nakita umano ang biktima na naglalakad sa tabing-dagat bago ito natagpuang wala nang buhay sa Sitio Pontor, Brgy. Bignay 2.
Kinilala ang biktima na si Dennis, 39 taong gulang, residente ng Brgy. Pinagkawitan, Lipa City, Batangas.
Kasalukuyang nasa morgue ang bangkay ng biktima. Ang kaso ay nakarekord na para sa dokumentasyon, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. | BChannel NEWS
ERRATUM: Base sa pamilya ng biktima walang mental health issues ang naturang biktima taliwas sa ipinadalang report sa mga media at imbestigasyon ng Sariaya Municipal Police Station sa Quezon Province.