Isang 47-anyos na babae ang patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakasakay sa kanyang E-bike dakong alas-5:20 ng hapon April 21, sa Quezon Avenue Extension, Brgy. Cotta, Lucena City.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Sandra, may asawa, residente ng Brgy. Cotta. Ayon sa paunang imbestigasyon ng Lucena City Police Station (CCPS), habang bumibiyahe ang biktima ay bigla na lamang siyang binaril ng isa sa dalawang suspek na lulan ng itim na motorsiklo.
Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Brgy. Dalahican matapos ang krimen, dala ang ginamit na baril na hindi pa matukoy ang kalibre.
Agad dinala si Sandra sa Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Agad namang kumilos ang mga awtoridad sa pamamagitan ng dragnet operation upang tugisin ang mga tumakas na suspek. Humingi rin sila ng tulong mula sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sa pagproseso ng crime scene.
Kasalukuyang isinasagawa ang pagsusuri sa mga CCTV footage para sa forward at backtracking ng galaw ng mga suspek. Patuloy rin ang imbestigasyon upang matukoy ang posibleng motibo sa krimen.
Ang mga suspek ay parehong inilarawang nakasuot ng itim na jacket, itim na pantalon, at may suot na itim na helmet. | BChannel NEWS