Isang bangkay ng LGBTQ ang natagpuang naaagnas na sa loob ng isang bahay sa Barangay Granados, General Mariano Alvarez (GMA), Cavite bandang 8:10 ng gabi nitong Abril 22.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng GMA Municipal Police Station, isang masangsang na amoy mula sa bahay ng biktima ang inirereklamo ng mga kapitbahay na siyang nagtulak kay Barangay Kagawad Gerry Alcantara na inspeksyunin ang lugar. Dito na nadiskubre ang walang buhay na katawan ng biktima sa loob ng bahay.
Kinilala ang biktima bilang si Ernesto, alyas “Trixy,” 47 taong gulang, isang hairdresser, at residente ng nasabing lugar. Ayon sa pamilya ng biktima, si Trixy ay may iniindang depresyon. Huli umano siyang nakita noong umaga ng Abril 19, 2025.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay ni Trixy. | BChannel NEWS