Tatlong magkakamag-anak ang nasawi sa isang insidente ng pamamaril sa Purok 7, Barangay San Julian, Tabuk City Kalinga ngayong Huwebes ng umaga, Abril 24, 2025.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Santos, Tokar, at Leo Palat Calsiyao, pawang residente ng Barangay Basao Dilag.
Ayon sa imbestigasyon, pasado alas-siyete ng umaga nang matagpuan ng mga awtoridad ang kanilang duguang katawan matapos makatanggap ng tawag ukol sa insidente.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang M16 rifle at isang shotgun na pag-aari umano ng mga biktima. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril habang nagpapatuloy ang hot pursuit operation laban sa mga suspek. | BChannel NEWS