Patay ang isang lalaking nagjo-jogging matapos mabundol ng isang sasakyan kaninang alas-5 ng umaga nitong Biyernes, April 25 sa bahagi ng Magsaysay Avenue, Concepcion Pequeña, Naga City.
Kinilala ang biktima na si Catalino, isang negosyante mula Brgy. Concepcion Pequeña. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ni Catalino ang naturang kalsada nang mabangga siya ng isang SUV na minamaneho ni Gwyneth, 22 anyos.
Nadamay rin sa insidente ang isa pang jogger na si Christine, 32 anyos, na nagtamo ng mga sugat sa katawan.
Isinugod sa ospital si Catalino ng mga rumespondeng awtoridad ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Ayon sa awtoridad, inantok na umano ang driver kaya nawalan ito ng kontrol sa minamanehong sasakyan.
Nasa kustodiya na ng Naga City Police ang drayber ng sasakyan para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon. | BChannel NEWS