Asahan ang pansamantalang pagkawala ng kuryente sa ilang bahagi ng Batangas City sa Abril 30, dahil sa isasagawang line reconstruction works ng Meralco.
Batay sa abiso, maaapektuhan ang mga sumusunod na lugar sa pagitan ng 2:00 AM at 2:30 AM at muli sa pagitan ng 6:30 AM at 7:00 AM:
- Bahagi ng Tolentino Road mula Pres. Jose P. Laurel Highway hanggang P. Herrera Street sa Barangay Kumintang Ibaba.
- Bahagi ng Gov. Antonio Carpio Road mula Pres. Jose P. Laurel Highway kabilang ang Sangalang Subdivision, Sitio Centro, Sitio Silangan, Lyceum of the Philippines University (Riverside Campus), at McKinley Hill School & Leadership Academy for Children Batangas Inc. sa mga Barangay Kumintang Ibaba at Gulod Labak.
- Bahagi ng Pres. Jose P. Laurel Highway mula malapit sa Tolentino Road hanggang Palico – Balayan – Batangas Road, kabilang ang Arce Subdivision Phases 1 at 2, Villa Neneng Subdivision, Villanueva Subdivision, Villa Jose Subdivision, FPIC Housing Compound, Lourdes Compound, Sitio Hilltop, Batangas Provincial Capitol, at Provincial Engineer’s Compound; at University of Batangas sa Barangay Poblacion, Kumintang Ibaba, at Kumintang Ilaya.
Samantala, mula 2:00 AM hanggang 7:00 AM, makararanas din ng power interruption ang:
- Bahagi ng Batangas Diversion Road mula Meralco – Batangas Substation Road hanggang Batangas Diversion Road Rotonda, kabilang ang Wilcon Depot at United Doctors of St. Camillus de Lellis Hospital & Medical Center sa Barangay Alangilan, Balagtas, Banaba South at Bolbok.
- Bahagi ng Pres. Jose P. Laurel Highway mula Batangas Diversion Road Rotonda kabilang ang De Joya Capitol Village, Aguirre 3 Compound, Perlas Compound, St. Mary Euphrasia Parish Church, at mga establisyemento gaya ng KFC at Jollibee sa Barangay Kumintang Ilaya at Kumintang Ibaba.
Ayon sa Meralco, isasagawa ang mga line reconstruction works sa kahabaan ng Batangas Diversion Road sa mga Barangay Alangilan, Balagtas, Banaba South, at Bolbok. Layunin ng mga gawaing ito na mapabuti ang serbisyo ng kuryente sa lungsod.