Isang karangalan ang inuwi ng Sta. Teresa College sa Bauan, Batangas matapos tanghaling kampeon sa 8th Vietnam International Choir Competitions na ginanap noong Abril 9-13, 2025 sa Hoi An, Vietnam.
Ang prestihiyosong patimpalak ay nilahukan ng 29 choir groups mula sa iba’t ibang bansa.
Bumida ang Sta. Teresa College Children’s Choir na binubuo ng 38 mag-aaral mula Grade 4 hanggang Grade 10, sa ilalim ng mahusay na pagsasanay ng kanilang conductor-trainer na si G. Bobet Manalo.
Tatlong kategorya ang nilahukan ng grupo kung saan sila ay tumanggap ng mga sumusunod na parangal: Children’s Choir Category – Gold Diploma Level IV Category Winner, at Q1 Qualified for the Grand Prix of Nations; Sacred Music Category – Gold Diploma Level III, Q2 Qualified for the World Choir Games; at Folklore Music Category – Gold Diploma Level IV, Q1 Qualified for the Grand Prix of Nations. | BChannel NEWS