Umakyat ang Angkasangga party-list sa top 11 sa April 2025 Tugon ng Masa (TNM) Pre-Election survey na isinagawa ng OCTA Research noong Abril a-10 hanggang 16, ngayong taon para sa mga partylist.
Batay sa resulta ng survey, nakakuha ng 1.98 percent ang Angkasangga Partylist, sapat na para sa isang upuan sa Kongreso.
Ito ay bunga ng momentum na ipinamalas ng Angkasangga Partylist sa “Araw ng Kagulong” event na ginanap noong Abril 27, 2025 kung saan nagtipon ang libu-libong riders, delivery partners, TODAs, at mga taga-suporta bilang pagpapakita ng pagkakaisa at lakas. Ang pagkilos na ito ay pinangunahan ni George Royeca, First Nominee ng Angkasangga at CEO ng Angkas, na matagal ng isinusulong ang kabuhayan ng mahigit 50,000 riders.
Nakadagdag din sa lakas ng nasabing partylist ang pag-endorso ng ilang senador, kabilang na sina Bong Go, Ronald “Bato” Dela Rosa, JV Ejercito, Francis “Tol” Tolentino, at Imee Marcos.
Bukod dito, nakatulong din sa pag-angat ng Angkasangga ang pag-endorso ng pamilya Recto —Finance Secretary Ralph Recto, Vilma Santos-Recto, Lucky Manzano, at Ryan Christian Recto— pati na rin nina Isko Moreno Domagoso at Vice Ganda.
“We’re incredibly humbled by the overwhelming support—especially from our fellow kasangga in the Senate and the thousands who showed up at Araw ng Kagulong. We’re here because people believe in real, honest representation. And in these final two weeks, we’ll work even harder to make sure their voices are finally heard in Congress.”, saad First Nominee Royeca.
Samantala, sa nasabing event, binigyang diin niya ang hangarin ng partylist na isulong ang pangangailangan ng sektor at pangangailangan para sa tunay na representasyon sa Kongreso.
Kabilang sa mga isusulong ng Angkasangga ang pagsasabatas ng Motorcycle Taxi Law, delivery rider protection law, Magna Carta for TODAs bilang proteksyon sa mahigit 18 milyong Pilipino na nasa informal transport at delivery economy. | BChannel NEWS