Sa kulungan ang bagsak ng isa sa mga suspek matapos pagnakawan ang isang Convenience Store sa Brgy. San Gabriel, Teresa, Rizal bandang alas-4:00 ng madaling araw ngayong Biyernes, Mayo 2.
Ayon sa ulat mula sa Teresa Municipal Police Station (TMPS), nasapul sa CCTV ng duty operator ang pagnanakaw at naging dahilan upang tumawag sa awtoridad habang ang isa sa mga suspek ay nasa loob pa ng tindahan.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Teresa MPS, kasama ang mga augmented troops mula sa 80th Infantry Battalion. Dahil dito, naaresto ang isa sa mga suspek na kinilalang si Jeff, 29 taong gulang, isang construction worker na naninirahan sa Brgy. Hulo, Pililia, Rizal.
Samantala, nakatakas naman ang isa pang suspek. Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation at operasyon upang matukoy at maaresto ang naturang kasabwat.
Walang naiulat na nasaktan sa insidente habang iniimbestigahan pa ang kabuuang halaga ng mga natangay mula sa tindahan. | BChannel NEWS