Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaki dahil sa umano’y paglabag sa Section 26(a) ng Omnibus Election Code o vote buying nitong Miyerkules, Mayo 7, 2025, sa Brgy. Julugan 3, Tanza, Cavite.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Tanza Municipal Police Station (MPS), bandang alas-5 ng hapon nang mamataan ang mga suspek na sina Chardan, 44 taong gulang, at Paolo, 33 taong gulang, habang namimigay umano ng mga flyers, election campaign materials, at tig-P500 sa ilang residente ng nasabing barangay kapalit ng suporta sa kanilang mga kandidatong sinusuportahan.
Bandang alas-9 ng gabi nang isuko ni Brgy. Public Safety Officer (BPSO) Ruben Dela Cruz ang mga suspek sa Tanza MPS para sa kaukulang disposisyon. Nasamsam mula sa kanila ang ilang piraso ng P500 at iba’t ibang campaign paraphernalia.
Bukod sa dalawang suspek na naaresto, dalawa pang hindi pa nakikilalang suspek o John Does ang tinutugis pa rin ng mga awtoridad.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy kung may mas mataas pang personalidad ang sangkot sa umano’y vote buying. | BChannel NEWS