Nasawi ang isang lalaki matapos umano malunod sa isang Beach Resort sa Brgy. Laiya Aplaya, San Juan, Batangas, dakong alas-8:30 ng umaga nitong Lunes, Mayo 12, 2025.
Batay sa paunang imbestigasyon ng San Juan Municipal Police Station, kasama ng biktima na kinilalang si Iwe ang kanyang mga pinsan na sina Roy at Duane, pawang residente ng Brgy. Pasol, Padre Garcia, Batangas, na naliligo sa swimming pool ng nasabing resort.
Napansin umano ng isa sa kanyang mga pinsan na nakalubog na ito sa tubig at wala nang malay. Agad silang humingi ng tulong sa lifeguard at mga opisyal ng barangay upang maisugod ang biktima sa San Juan District Hospital.
Sa kabila ng pagsisikap ng mga doktor at medikal na staff na buhayin pa ang biktima, idineklara rin itong dead on arrival.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari at kung may pagkukulang sa panig ng resort. | BChannel NEWS